GMA Logo sassa gurl at gma gala 2023
What's Hot

Sassa Gurl, agaw-eksena sa GMA Gala 2023

Published July 24, 2023 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

sassa gurl at gma gala 2023


Ibinahagi ng sikat na content creator na si Sassa Gurl ang larawan niya kasama ang 'twinny' niyang si Kyline Alcantara sa GMA Gala 2023.

Hindi lang celebrities ang nagningning sa GMA Gala 2023 pati na rin ang ilang digital creators at social media personalities na dumalo sa prestihiyosong event na ginanap noong Sabado, July 22, sa Manila Marriott Hotel, Pasay City.

Kabilang na riyan ang sikat na content creator na si Sassa Gurl na agaw-eksena sa kanyang black gown at blonde hair.

Ka-date niya ang singer-songwriter na si Silas, kapatid ng Sparkle artist na si Faith Da Silva, at kasama niyang lumakad sa red carpet.

Sa Instagram, ipinost ng binansagang "Mima" ang ilan nilang larawan sa GMA Gala 2023 at ang fangirling moment niya kasama si Kyline Alcantara.

Isang post na ibinahagi ni Sassa Gurl (@itssassagurl)

Maliban kay Sassa Gurl, spotted din sa GMA Gala 2023 ang iba pang content creators na sina Zeinab Harake, Toni Fowler, Abi Marquez, at Janeena Chan na isa ring red carpet host ng nasabing event.

Dumalo rin ang YouTubers na sina Ashley Sandrine Yap, na date ng ama niyang si Richard Yap, at Chelsea Robato, na date ng fiance niyang si Magandang Dilag actor Benjamin Alves.

BALIKAN ANG MGA EKSENA SA GMA GALA 2023: