
Tampok sa bagong YouTube vlog ng Korean host na si Ryan Bang ang social media star na si Sassa Gurl.
Sa naturang vlog, binigyan ng It's Showtime host ang kilalang content creator ng fresh haircut mula sa kanyang Korean hair salon na Moridu Art, na isa sa mga business ng una.
Bago sila nagpunta sa salon, dinala muna ni Ryan si Sassa Gurl sa cafe ng kanyang fiancee na si Paola Huyong at nilibre niya ang content creator ng drink na horchata.
Matapos ito, pumunta na sina Ryan at Sassa Gurl sa Korean hair salon ng una kung saan nagpa-haircut at hair treatment ang Balota actor. Ayon kay Sassa Gurl, ito ang kanyang first time sa isang Korean hair salon.
Pagkatapos ng haircut at treatment, binigyan ni Ryan si Sassa Gurl ng hair cream bilang regalo.
Panoorin ang kulitan nina Ryan Bang at Sassa Gurl sa video na ito.
SILIPIN ANG NAGING CAREER JOURNEY NI SASSA GURL SA GALLERY NA ITO.