
Maging ang social media star na si Sassa Gurl ay labis ang naging paghanga kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza nang makatrabaho niya ito sa Regal Entertainment film na Saving Cherry.
Sa naganap na media conference ng pelikula, inamin ni Sassa na late na siyang naging fan ni Barbie dahil, aniya, alam niyang magaling na talaga ang aktres.
"Alam kong magaling na talaga siya. Alam kong she makes good quality work. And sabi ko nga, nu'ng napanood ko siya, nag-pay attention ako kay Barbie. Sabi ko, 'Ang galing talaga n'ya,'" paliwanag ni Sassa.
"Si ate kasi may bitaw talaga. At alam mo ang dami kong natutunan sa 'yo girl, kasi 'yung bitaw n'ya talagang madiin. Tapos ginamit ko 'yon sa mga kaaway ko. Naloka sila, Day," natatawang dagdag niya.
Ipinarating din ni Sassa ang paghanga niya sa katapangang ipinakita ng aktres sa show.
"Kasi hindi lang siya artista, aktor talaga siya. Doon ko nakita na parang dito sa set na 'to ang dami ko talagang matututunan. At sa mga cast na naka-work kung magaling talaga na aktor, may nagsabi sa akin na, 'Ang aktor na magaling ay matapang.'
"And, matapang ka girl. Ang lala ng tapang mo, girl. Ang tapang mo dito, girl, promise. Pasabog, malala."
Sa Saving Cherry, makikilala si Sassa Gurl bilang Martha, ang kaibigan ni Cherry (Barbie Forteza) na kahit nasa problema na ay kayang-kaya ka pa ring patawanin.
Mapapanood ang Saving Cherry sa mga sinehan nationwide simula September 2.
Related gallery: The stylish moments of social media star Sassa Gurl