GMA Logo sassa gurl
What's Hot

Sassa Gurl, ikinuwento ang buhay bilang content creator sa KMJS

By Kristian Eric Javier
Published September 12, 2022 11:25 AM PHT
Updated September 12, 2022 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

sassa gurl


Alamin ang payo ng content creator na si Sassa Gurl sa paggawa ng mga videos.

Marami ang nawalan ng trabaho at ng pagkakakitaan nang magsimula ang pandemic mahigit dalawang taon na ang nakakalipas, at isa si Sassa Gurl sa mga naapektuhan nito. Pero imbis na panghinaan ng loob, mas pinili nito ang mag-TikTok at ito ang naging tulay niya para maging isang ganap na content creator.

Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, naimbitahan si Sassa Gurl, o Felix Petate sa totoong buhay, ng programa para mas makilala pa ang content creator. Isa sa mga napag-usapan nila ay ang pagsisimula ni Sassa sa Tiktok.

Sinabi nito na kahit pa maraming nagsasabi na nakakasira ng kaalaman ang paggawa ng TiktTok videos, hangga't di ka gumagawa ng ilegal, ay ayos lang ito.

“Self-exprerssion lang,” dagdag pa nito.

Nagbigay din siya ng payo sa mga gustong magsimula o gumawa ng videos para sa social media platform na 'wag matatakot.

“I-push n'yo lang sa mga sarili n'yo, magugulat din kayo e na kaya n'yo pala at mari-realize n'yo na, ay may skill pa pala akong ganito, kaya ko pala 'yung ibang ganyan,” saad niya.

Idinagdag pa niya na hindi rin makikilala ang sarili kung “di ka rin mag-e-explore sa kung anong kaya mong gawin.”

Ikinuwento rin ng content creator kung paano siya nagsimula sa paggawa ng TikTok videos. Ayon kay Sassa, hindi naging madali ang naranasan nila dahil sa pandemic.

“Nawalan din ako ng work madam. Tapos ang lala nung lockdown, walang pera, walang trabaho,” sabi nito.

Idinagdag pa niya na para mawala ang pagkabagot niya, ay nagsimula siya mag-video ng sarili para sa social media platform.

Karamihan sa mga eksena ng videos ni Sassa ay buhay estudyante at mga eksena sa bahay at sa barangay. Dito siya nakilala bilang isang content creator.

Ayon din kay Sassa, nakukuha niya ang mga ideya niya “in everyday life.”

Inamin din ni Sassa na ok naman ang kita niya sa paggawa ng TikTok videos at sustainable naman daw ito.

SAMANTALA, ISA SI SASSA GURL SA MGA TIKTOK STARS NA PINASOK NA RIN ANG MUNDO NG SHOWBIZ. TINGNAN SILA SA IBABA.