
Tinanggap agad ni Sassa Gurl ang pagkakamali na nagawa niya sa kapwa co-star niya sa pelikula na 'Saving Cherry' na si AC Bonifacio dahil 'tila na-hot seat daw ito dahil sa mga binitiwan niyang comment.
Ito ang inilahad ng social media star sa pagsalang niya sa Think Talk Tea podcast ni Direk Kring Kim lalo na at may mga nambash sa former 'Pinoy Big Brother housemate.
“Oh my god, Ate AC, pasensya ka na,” sambit ni Sassa sa panayam niya kay Kring.
Dagdag niya, “Day one ng promo ng 'Saving Cherry' nasa likod kami. Nasa backstage pa lang kami, hindi pa kami pumupunta dun sa may stage. Sabi ni Mikee, 'Paano magiging chikahan natin?'
“Sabi ko, 'Tara, maging chaotic tayo,' agree sila! So, ako todo ko siyempre as an influencer itotodo ko 'to day one e.”
READ: AC Bonifacio reacts to Sassa Gurl's comment during 'Saving Cherry' presscon
Sinuggest daw ng Sparkle actress na si Mikee Quintos na isa mga topic nila ay 'yung naging eksena sa inuman daw nila. Sumunod na kuwento ni Sassa Gurl, “E napa-komportable ako, akala ko nasa inuman lang kami nag-uusap. E, itong si AC e isa siya sa mga talagang kabiruan ko talaga, alam mo 'yun tatlo kami niyan sa dressing room, ako, si AC, at si JC [Alcantara] na nagbabaklaan.
“Ang naloloka ako parang nung oras na 'yun sabi ko kay AC parang sabi ko, 'O, naloka ka sa mga Kapuso 'no, ganiyan, ganiyan. Walang plastikan 'no, ganiyan, ganiyan.
“Naloka ako, kasi, oh my gosh 'yung banter ko parang napasobra. Kasi, biruan na namin 'yung mga ganiyan humor sa backstage, medyo may pagka nakakaloka. E, nadala ko sa stage.”
Nung nag-inuman daw sila after ng press conference ng 'Saving Cherry' at nakita nila na pumuputok 'yung issue agad na humingi ng paumanhin si Sassa kay AC.
“Ending nagtrending ang mga bakla. Nung gabi na 'yun nag-inuman kami, so, pumutok din 'yung issue nung gabi na 'yun. So, nakikita na namin may mga talak, talak. Siyempre, nag-sorry ako kay AC, kasi parang napa-sobra, kasi sa totoong buhay naman hindi naman lang ako maba-bash dun, maba-bash din si AC talaga. 'Tsaka, mas maba-bash siya kaysa sa akin,” lahad ng aspiring actor.
“Sabi niya, okay lang naman daw sa kaniya parang hindi naman daw ganun kalalim, ang OA lang daw ng mga tao. Siyempre, ako, to me hindi siya, hindi OA kumbaga na-haggard ko pa rin si ate (AC Bonifacio) so talagang nag-sorry talaga ako.”
Source: Think Talk Tea
Nakasama rin nina Sassa Gurl at AC Bonifacio sa 'Saving Cherry' sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Mikee Quintos, Khalil Ramos, at Mika Salamanca.
RELATED CONTENT: Sassa Gurl's journey from being an internet star to movie star