GMA Logo sassa gurl
Photo by Nherz Almo
What's Hot

Sassa Gurl, pause muna sa kanyang 'kanal humor' para sa MMFF movie

By Nherz Almo
Published December 13, 2025 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam: P2-B Tulong Dunong budget for 2026 to fall under CHED
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

sassa gurl


May memorable moment daw si Sassa Gurl sa co-actor at veteran actress na si Odette Khan. Alamin ang kuwento rito:

“Goodbye kanal humor.”

Ito ang naging pahayag ni Sassa Gurl sa media conference ng Bar Boys After School kamakailan.

Sa panayam ng GMANetwork.com, nilinaw content creator-turned-actress na para lamang ito sa naturang 2025 Metro Manila Film Festival official entry.

Paliwanag niya, “This time around, kasi I have to be very, very serious for the role. So that's why, minention ko po talaga yung pagiging serious. And of course, ayoko rin naman na laru-laruin yung isang seryosong film.

“Of course, seryosong role na binigay sa akin. Gusto ko talaga na maging truthful sa pagiging lawyer, law student, trans law student ang role ko na 'to. Kasi alam po… tinanong ko yung mga law student na trans, ang sabi nila, 'Kailangan mo talaga mag-tone down nang konti kapag nasa law school ka. So, hindi mo pwede ipakita yung tunay na personality mo. Medyo itatago mo yun nang konti.' So, yun yung pinagmulan ko kung bakit kailangan medyo seryoso itong role na to.”

Diin pa niya, “Gusto ko rin naman maging respetado talaga. Yung paningin nila kay Tricia Perez, that's why, ayun, nirespeto ko din siya as a character.”

Kaugnay nito, sinabi ni Sassa na walang dapat ipag-alala ang kanyang fans dahil hinding-hindi raw siya magbabago ng image.

Aniya, “For the movie lang. Kung alam mo naman, yung mga nashi [anak o fans] ko talaga paboritong-paborito yun. Kaya hindi ko iiwan yung kanal humor. Di ba, mana sa akin yung mga 'yan.

“So yes, kailangan talaga balikan mo talaga yung pinanggalingan mo. Yung identity ko. So yung pagiging kanal, never mawawala sa akin.”

Related gallery: Sassa Gurl's journey from being an internet star to movie star

Experience with Odette Khan

Samantala, isa sa mgadi malilimutan ni Sassa Gurl na experience sa set ng Bar Boys After School ang interaction nila ng veteran actress na si Odette Khan. Muling gaganap ang huli bilang si Justice Hernandez sa pelikula, na una niyang ginampanan sa Bar Boys noong 2017.

Inalala ni Sassa Gurl ang eksena kasama si Odette, na ipinakita rin sa official trailer, “Nakakatawa kasi yung scene na yun kasi sobrang kabado ko noon. First day of shoot yun, sinalang agad ako kay Ms. Odette Khan-nanginginig ako, nagkukuya-kuyakoy.

“At itong sabi sa akin ni Ms. Odette after the take, 'Naramdaman mo ba? Na-feel mo ba yung acting mo?' 'Madam, oo naman po.' Alam mo sabi niya? 'I disagree. I disagree. Hindi ko naramdaman.'

“Naloka ako! So, sabi ko sa sarili ko, okay, gagalingan ko pa. Kesa ma-rattle ako, gagalingan ko pa. Nakakaloka.

“Nung nagkukuya-kuyakoy ako, pinansin niya, sabi niya, 'You're anxious. That's a sign na you're anxious. You shouldn't be anxious. An actor should be brave.' 'Yan ang sabi niya.”

Dahil daw dito, mas naging determinado si Sassa Gurl na pagbutihin ang pag-arte.

“Sa mismong Bar Boys, sobrang dami kong natutuhan, especially with Ms. Odette. Ang isang eksena na yun, nakita ko yung pagiging veterana niya. Yung 50 years of acting niya, na-summarize niya sa isang sentence, na sobrang—it talked to me and it gave me a lot of lesson. Sabi ko, babaunin ko at magiging thankful ako.”

Bukod sa Bar Boys After School, bahagi rin si Sassa Gurl sa isa pang MMFF movie, ang Shake, Rattle and Roll: Evil Origins.

Tingnan ang iba pang mga artistang mapanonood sa dalawang 2025 MMFF entries: