
Bago pa sumabak sa pagiging isang social media personality at sa pag-a-artista si Sassa Gurl ay minsan na rin niyang masubukan ang isang corporate job. Ngunit ayon sa comedian at vlogger, sa entertainment talaga ang passion niya.
Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Sassa Gurl na minsan na rin siyang nakapasok sa isang call center, at nakasubok magtrabaho sa marketing. Ngunit aniya, “hindi talaga” ito para sa kanya.
“Like, alam ko 'yung passion ko talaga. Sabi ko nga, ito talaga 'yung bet ko, 'yung entertainment talaga. Sabi ko, kailangan magpapansin [ako],” sabi niya.
Kinuwento rin ng content creator ang hindi magagandang karanasan niya sa corporate job na nagtulak lalo sa kaniya na pumasok sa entertainment. Ang unang naging goal niya, makabili ng cellphone.
Aniya, “Nu'ng nagkaroon na ako ng cellphone sa pagtatrabaho, ang ginawa ko, habang nagtatrabaho, nag-content-content ako.”
Sang-ayon din siya sa sinabi ni Nelson na maraming nagbukas na pinto para sa kaniya simula nang magkaroon siya ng cellphone. 'Yun umano ang ginamit niya para gumawa ng mga una niyang content hanggang sa lumaki at dumami ang social media followers niya.
BALIKAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA LUMABAS NA RIN SA MGA KAPUSO SHOWS SA GALLERY NA ITO:
Ngunit nang tanungin siya ni Nelson kung ano ang pinakapaborito at unforgettable na content na ginawa niya, inamin ni Sassa Gurl na madalas ay hindi na niya naaalala ang mga content na ginagawa niya.
“Ako, actually, ang eksena ko kasi, in the moment lang talaga ako, kumbaga, parang what happens now, happens now. So kadalasan talaga, nakakalimutan ko na 'yung mga content ko,” sabi niya.
“Pero alam mo, in its entirety, 'yung entirety ng content ko, sabi ko parang ang pinaka-bet ko kasi, 'yung kunyari may inaaway ako. Kasi as a baklang kanal talaga, palaaway talaga ako. Ngayon hindi na pwedeng mang-away kasi alam mo naman, issue nanaman 'yan kung mang-away ka,” pagpapatuloy ng social media star.
Pakinggan ang buong interview ni Sassa Gurl dito: