
Laro tayo kasama ang Kapuso Primetime Queen!
Ipinasilip ng content creator at singer na si Sassa Gurl ang ilan sa behind-the-scene moments sa press conference ng Cinemalaya kahapon, July 10.
Sa video na ipinost sa Instagram ng GMA Network at GMA Pictures, 'tila nag-vlog si Sassa Gurl sa naturang event at hindi pinalagpas makipag-awrahan kasama ang cast niya sa Balota.
Ang Balota ay co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.
Makikita sa Instagram Reel na lumapit si Sassa Gurl sa multi-awarded actress na si Marian Rivera.
Hirit niya, “Uunahin natin ang napakaganda at napaka-fresh. Wait lang!”
Nang makalapit na nang husto sa Kapuso Primetime Queen, makikitang yumakap si Marian Rivera sa sikat na content creator. Sabi naman ni Sassa Gurl, “Ayan oh pak, oh di ba, ang ganda… walang ano, walang pinagkaiba”
Tampok din sa mini-vlog ni Sassa Gurl ang mga co-stars niya sa movie na sina Donna Cariaga, Raheel Bhyria, Will Ashley, at ang mahusay nilang director na si Kip Oebanda.
Samantala, binalikan naman ni Marian Rivera sa Cinemalaya press conference ang mga pagsubok na pinagdaanan sa shooting ng Balota.
Lahad niya, “Ang gandang gawin na totoo, e. Ang gandang gawin na ikaw lahat ang gumawa.”
Pagpapatuloy niya, “Sabi ko nga, itong mga scar na ito at kung ano 'yung na-experience ko dito, lahat naman ng 'yon ay lilipas pero 'yung 100 percent na ginawa ko ito, hindi ko na maibabalik 'yon.”
Kabilang din sa pelikula sina Royce Cabrera, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Joel Saracho, Sue Prado, at Esnyr.
RELATED CONTENT: THE MANY ACHIEVEMENTS OF MARIAN RIVERA