Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang mas pina-astig na Sabado mornings simula July 5 on GMA.
By EUNICIA MEDIODIA
Bago na naman ang ating mapapanood sa pina-astig na animes sa nag-iisang Astig Authority sa Pilipinas simula July 5!
Pagkagising at 7 a.m., buksan kaagad ang T.V. para sa isang umaatikabong panonood. Sisimulan ito ng
Puppy in My Pocket kasama ang mga cute puppies ng Pocketville. Tutulong sina Flo and Magic na makuha si Princess Ava pabalik ng Pocketville.
Magiging “knight in shining armor” naman si Hayate ni Nagi sa
Hayate the Combat Butler. Gagawing butler ni Nagi si Hayate pagkatapos nitong mailigtas ang kanyang buhay sa mga kidnappers. Magka-developan kaya ang dalawa?
Hindi mapipigil ang inyong tawanan sa
Larva, ang pinaka-latest offering ng Astig Authority. Ang dalawang maggots na kulay red at yellow ang makikipagkulitan sa inyo tuwing Sabado. Sabayan ang kanilang walang sawang kulitan!
Hindi rin magpapatigil ang
Angry Birds Toons sa kulitan dahil makakasama rin natin sila sa ating anime line-up. Alamin kung magkakasundo na ba ang mga angry birds at pigs.
Makikipaglaban si Chase Suno kasama ang kanyang Monsuno na si Lock para mapatunayan na puwedeng mag-co-exist ang mga Monsuno at tao. Panoorin kung makakamit niya ang tagumpay sa
Monsuno.
Tara na, maging astig every Saturday at 7 a.m. sa Astig Authority ng GMA!