
Natanong sina Barbie Forteza, Mikee Quintos, Mika Salamanca, AC Bonifacio, at Sassa Gurl tungkol sa kanilang dream wedding sa naganap na media conference ng kanilang upcoming comedy film na Saving Cherry.
Para kay Barbie, gusto niyang maikasal sa Las Vegas.
"Dream wedding ko, I wanna get married in Vegas, in Vera Wang, para may divorce," sagot ng aktres.
Pero paglilinaw ni Barbie, wala pa sa isip niya ang pagpapakasal dahil priority niya ngayon ay self-love.
Gusto naman ni Mika ng private wedding kasama lamang ang kanyang close friends.
"'Yung gusto ko na wedding is private po talaga. Ayoko ng may ibang tao. 'Yung mga super close ko lang talaga 'yung nasa wedding na 'yon. Kung kailangan na walang makaalam, ganu'n 'yung gusto kong wedding," sabi ni Mika.
Intimate at simple din ang dream wedding ni Mikee. Pero, aniya, sa ngayon ay hindi muna kasal ang kanyang ipinagdadasal.
"I think my dream would be a destination, also. But my real reason, I think, would be to keep it intimate din," pagbabahagi ni Mikee.
"I've always wanted something simple, plain lang 'yung dress ko gusto ko. Kasi, pinagdadasal ko lang naman asawa muna bago 'yung kasal. 'Pag dumating 'yon sana gusto din niya yung simple lang [because] I believe na if we keep things private, mas mapapahalagahan," dagdag niya.
Para naman kay AC, masaya na siya basta naroroon ang kanyang mga mahal sa buhay sa kanyang kasal.
"Wala pa ngang jowa nandun na tayo," natatawang sabi ng Kapamilya actress. "Siguro ano lang po, I grew up with a very big family and being around the people I love talaga. I just want all my loved ones to be there, from Canada, from here.
"But, siguro, as long as it's a good husband, a good guy, and my family is there, I'm good. Basta puwede akong sumayaw, good music, good food, masaya na po ako do'n."
Nangangarap din na maikasal ang social media star na si Sassa Gurl.
"Pero since sa Philippines hindi pa ako puwede ikasal, so pangarap na lang talaga ito lahat. Feel ko dream wedding ko since hindi naman talaga common sa amin na mag-dream talaga ng wedding, I think a simple wedding will do. Basta mahal ko lang talaga 'yung pakakasalan ko," sabi ni Sassa.
Samantala, kasama rin sa cast ng Saving Cherry sina Khalil Ramos, Joey Marquez, JC Alcantara, at Kokoy De Santos.
Mapapanood ang Saving Cherry sa mga sinehan nationwide simula September 2.
Check out these celebrity weddings held abroad