
Sina Saviour Ramos at Lala Vinzon ang bibida sa "Stop in the Name of Love," ang bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pareho man silang showbiz newbies, pareho rin silang galing sa lahi ng mga artista. Si Saviour ay anak ng aktor na si Wendell Ramos, habang si Lala naman ay anak ni action star Roi Vinzon.
Ipapamalas nila ang kanilang husay sa drama-comedy na "Stop in the Name of Love." Si Saviour ay si Ryan at si Lala naman ay si Mica, high school sweethearts na magle-level up na sana ng kanilang relasyon.
Mauunahan lang sila ng nakakagulantang na announcement ng kanikanilang mga magulang na parehong single.
Magkasintahan din pala kasi si Jojo na tatay ni Ryan, at Susan na nanay naman ni Mica. Handa na rin silang mag-take ng next step sa kanilang relationship--ang pagsamama sa iisang bubong.
Ang mga seasoned actors na sina Leandro Baldemor at Almira Muhlach ang gaganap bilang Jojo at Susan, respectively.
Susubukan nina Ryan at Mica ang lahat para mapaghiwalay sina Jojo at Susan. Magtagumpay kaya sila?
Ang "Stop in the Name of Love" ang unang tambalan nina Saviour at Lala.
Napahanga raw si Lala sa comedic timing ng co-star na si Saviour.
"Natural lang 'yung flow ng eksena kasi si Saviour, sobrang nakakatawa siya. Natural 'yung pagiging comedian niya, that's why magaan sa akin 'yung mga eksena. Hindi ako masyadong comfortable sa comedy pero dahil romance din siya and may partner akong nakakatawa din, nakakatuwang kasama, naging magaan siya para sa akin. Sobrang saya ng experience," bahagi ni Lala sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong March 18.
Lubos din daw nag-enjoy si Saviour sa paggawa ng isang kuwento na may comedic at romantic na elements.
"Sobrang thankful po ako noong na-cast ako dito dahil besides sa nakasama ko si Lala, 'yung cast, 'yung staff po sobrang sarap kasama. Sobrang ganda po ng story--comedy siya and at the same time romance din po siya. Sobrang solid po na na-explore at na-try ko po itong rom-com kasi parang nakaka-in love po pala siya," lahad naman ni Saviour.
Abangan sina Saviour at Lala sa "Stop in the Name of Love," March 20, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: