
Para sa Kapuso heartthrob at Sparkada artist na si Saviour Ramos, isang motivation ang pagkakaroon ng artistang ama na si Wendell Ramos para sa kanyang karera sa pag-aartista.
Kwento ito ni Saviour sa kanyang ninong Ogie Diaz sa YouTube channel nito, “Motivation siya na hahanap ka ng way para mas maging best ka, [Pero] hindi para higitan 'yung naabot ng parents mo pero para lang for yourself.”
“Alam mo kung saan ka magaling, alam mo 'yung strengths mo, more on learning talaga,” dagdag pa nito.
Si Saviour ay anak ng Kapuso actor at dating Bubble Gang star na si Wendell Ramos. Kinuwento rin ng batang aktor na magkasama sila ng ama sa isang project ngayon subalit wala silang eksena na magkasama, bagay na pinapangarap niya.
“Pero 'pag break, magkasama kami, humihingi ako ng advice, lalo na sa pag-arte at pagiging isang aktor," saad ni Saviour.
Noong Septmeber 2022, inanunsyo ni Wendell sa kanyang Instagram ang proyekto niya kasama si Saviour.
Caption niya sa post, “Another blessing from my @gmanetwork family! Truly honored and grateful for the opportunity. And this time together with my son @saviourxxramos.”
Nagpasalamat din siya sa creative team ng bago nilang proyekto at pati na rin sa mga bosses para sa bagong project.
KILALANIN DITO SI SAVIOUR RAMOS: