GMA Logo SB19 online concert
What's Hot

SB19, excited na sa kanilang "Back In The Zone" online concert sa Linggo

By Aimee Anoc
Published July 29, 2021 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 online concert


"Sisiguraduhin naming itong concert na ito is magiging memorable and super happy po ng mapi-feel, especially po ng aming A'TIN." - Stell Ajero

Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng sikat na P-pop group SB19 at maging ng kanilang mga staff para sa nalalapit na "Back In The Zone" online concert sa Linggo.

SB19 Group

SB19 (IG)

Ayon sa report ng State of the Nation, hindi raw biro ang ginagawang paghahanda ng Pinoy pop group para sa paparating na online concert lalo na ngayong umiiral pa rin ang restrictions dahil sa pandemya.

Ipinarating naman ng SB19 na excited na sila sa concert dahil tumutulong din ang grupo sa conceptualization hanggang sa pagbuo ng set. Bukod sa group performances, magkakaroon din ng solo performance sina Pablo, Stell, Josh, Ken at Justin.

"Sisiguraduhin naming itong concert na ito is magiging memorable and super happy po ng mapi-feel, especially po ng aming A'TIN," sabi ni Stell, lead vocalist ng SB19.

Para naman matiyak ang kaligtasan ng lahat, sumailalim na rin sa swab test ang grupo at maging ang production staff nito. Mahigpit din nilang sinusunod ang health at safety protocols para walang maging aberya.

Samantala, para sa mga nais na bumili ng "Back In The Zone" concert tickets magpunta lamang sa www.ktx.ph at sa sb19music.com.

Live na mapapanood ang concert sa KTX.PH, 7:30 p.m., August 1.

Balikan ang paghanga ng Ben&Ben para sa SB19 sa gallery na ito: