
Kilala si Justin de Dios bilang talented bunso ng sikat na P-pop group na SB19. Dahil sa angkin niyang talento sa pagkanta at pagsayaw, marami siyang tagahanga at nakatanggap ng awards kasama ang grupo.
Ngunit hindi lang pala sa stage nagniningning si Justin dahil marami pa siyang taglay na talento pagdating sa industriya ng visual arts.
Sa isang episode ng online podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, ikinuwento ng P-pop singer na talagang pangarap niya ang maging isang aktor o visual artist.
"To be honest, ako, siyempre, although I'm a performer, singer din po, 'yung pinaka-dream ko rin talaga, other than the group, sa solo career ko po, 'yung dream ko is more of nasa visual arts or acting," pahayag niya.
Nagagamit naman raw ni Justin ang kanyang directing at acting skills para sa grupo. Marami na nga raw siyang naidirek na music videos katulad ng kanilang kanta na "Moonlight."
"Because of music, nagagawa ko 'yung acting, nagagawa ko 'yung visual arts which helps po," sabi niya.
Pagdating sa collaboration sa ibang artists, nais niya raw makatrabaho sila bilang direktor o aktor. "If makikipag-collab po ako sa mga artist, parang gusto ko na collaborate as a visual artist , magdirek ng music video nila, gumawa ng concept for them," masaya niyang sinabi.
Kamakailan lang, idirinehe ni Justin ang music video ng OPM band Cup of Joe na "Misteryoso." Ayon sa kanya, ito raw ang unang beses na nagdirek siya ng music video para sa ibang grupo.
Hands-on din ang SB19 vocalist sa kanyang bagong solo release na "Kaibigan" dahil siya mismo ang nagsulat ng kanta, bumida, at naging creative director ng kanyang music video.
Pakinggang ang buong interview ni SB19 Justin de Dios sa Surprise Guest with Pia Arcangel dito:
Samantala, kilalanin pa si Justin ng SB19 sa gallery na ito: