
Ilang tulog na nga lang ay mapapanood na si Justin de Dios ng SB19 sa Kapuso telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Bibigyang buhay ni Justin ang karakter ni EC'NAAD, ang taskmaster ng mga Sang'gres na galing sa Devas.
Sa 24 Oras nitong Biyernes, September 26, ikinuwento ni Justin ang kaniyang paghahanda para sa kaniyang role at ang paborito niya bilang si EC'NAAD.
“Noong nag-training kami, parang cinonsider ko po siyang parang choreography,” saad ni Justin. “It's one [thing] din na very favorite ko na scenes 'yung fighting scenes kasi para siyang choreography, [so] para ring sumasayaw.”
Tulad ni Justin ay excited din ang A'TINs pati na rin ang mga dedicated audiences ng Encatadia Chronicles: Sang'gre sa buong bansa.
“I know na excited din po talaga 'yung A'TINs kasi it's something different from SB19, from performing, pero hindi ko po in-expect na marami ring Encantadics 'yung na-excite sa pagpasok ko po,” kuwento ni Justin.
Ano nga ba ang magiging role ni Justin sa buhay ng mga Sang'gre?
Abangan lahat ng iyan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
KILALANIN SI JUSTIN SA GALLERY NA ITO: