
Maraming fans at viewers ang pinahanga ng SB19 member na si Justin de Dios sa kanyang mga eksena bilang Ec'naad sa Encantadia Chronicles: Sang'gre noong Lunes, September 29.
Sa kabila ng pagiging baguhan sa acting, mahusay ang ipinamalas ni Justin bilang Ec'naad, ang Punong-Bantay sa Pintuan ng Devas, simula sa kanyang pagharap sa mga Sang'gre, pagbibigay ng mga pagsubok, hanggang sa kanyang fight scenes sa apat na itinakdang tagapangalaga ng mga Brilyante na sina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali).
ang POGIIII at ang husay sa fighting scenes 😍😍😍#SanggreMeetEcnaad https://t.co/enZiooD0Sq
-- cathlyn (@cvlgas) September 29, 2025
Huuuuuy bagay na bagay talaga niya yung ganitong role
-- For Esbi Onliii (@esbionlii) September 29, 2025
KILALANIN SI EC'NAAD@justintdedios #justin#EncantaJAH #JustinBilangEcnaad#SanggresMeetEcnaad
Sa exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ni Justin ang kakaibang experience niya sa acting, na aniya ay ibang-iba sa performing.
"Super happy na magkaroon ng kakaibang experience kasi it's very different from performing to acting, ibang-iba 'yung setup. The way we prepare things sa performing, iba rin 'yung pag-prepare mo sa acting. So 'yung pagkabisado ng script, 'yung mga acting lessons, fighting lessons, it's something different," kuwento niya.
Dagdag ni Justin, hindi naging mahirap ang pagsabak niya sa acting dahil na rin sa tulong ng Sang'gre cast. Itinuturing ni Justin ang Sang'gre bilang kanyang unang acting project na may major lines at role, hindi lamang cameo.
"And hindi rin siya naging mahirap kasi tinulungan din ako nila Kelvin, so nakakatuwa, and nakaka-excite kung mayroon pang susunod na taping."
Ikinuwento rin ni Justin kung paano niya pinaghandaan ang kanyang scenes sa Sang'gre, lalong-lalo na ang kanyang fight scenes.
"Nu'ng nagkaroon ng opportunity for this one, that's like months before the taping, we requested na kahit puno 'yung schedule namin sana magkaroon ako ng acting lessons and 'yung practice for the fighting scenes.
"And, thanks to GMA team, binigyan naman nila ako and 'yung scehdule namin tinry talaga namin isiksik. So from there, acting scenes, even 'yung script reading, tinuruan din. And, ayon nag-tumbling tumbling kami for the fighting scene. Practice talaga, practice."
Samantala, patuloy na subaybayan si Justin de Dios bilang Ec'naad dahil mayroon pa siyang misyon na gagawin para sa mga Sang'gre.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
TINGNAN ANG REAKSYON NI SB19 JUSTIN NANG MAPANOOD ANG MGA EKSENA SA 'SANG'GRE' RITO: