
Isang masayang announcement ang hatid ng Kings of P-pop SB19 para sa kanilang fans sa unang araw ng 2026.
Nitong January 1, ibinahagi ng grupo ang ilang detalye para kanilang upcoming "Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale."
Ayon sa kanilang official Facebook post, magaganap ang upcoming concert sa April 18, 2026 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.
Bago ang anunsyong ito, may teaser na ang SB19 sa social media tungkol sa upcoming event.
"Saan magwawakas ang sinimulan?" sulat caption ng kanilang post, na sinamahan ng poster na nagpapakita ng mga lugar kung saan naganap ang kanilang "Simula at Wakas World Tour."
Samantala, wala pang detalye tungkol sa ticketing details para sa "Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale."
RELATED GALLERY: Amazing facts about the phenomenal SB19