What's Hot

SB19 on Billboard Music Awards nomination: "It's a big movement po for [the] Philippine music industry"

By Dianara Alegre
Published May 1, 2021 4:16 PM PHT
Updated May 1, 2021 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Pop band SB19


Ang P-pop group na SB19 ang unang Pinoy act na nominado sa Top Social Artist category ng Billboard Music Awards.

Sa unang pagkakataon ay napabilang ang Pinoy band sa Billboard Music Awards nomination para sa Top Social Artist category.

Nasungkit ito ng P-pop boy group na SB19 na binubuo nina Pablo, Ken, Stell, Josh, and Justin.

SB 19

Source: officialsb19 (Instagram)

Ayon sa grupo, malaki ang ginampanang papel ng kanilang fans (A'Tin) sa tagumpay nilang ito.

“Grabe po talaga sila, e. Sa totoo lang sila po talaga 'yung nagpakilala ng SB19 sa iba't ibang lugar. Sobra 'yung pasasalamat namin sa kanila kasi sila 'yung key to success,” lahad ni Stell nang makapanayam ni Nelson Canlas para sa Saksi.

Dagdag pa ni Justin, “Sana magpatuloy na magkasama tayo sa journey na 'to and hindi kami titigil na i-inspire kayo.”

Dahil historic ang nominasyon, ipinahayag ni Josh na hindi lamang para sa SB19 ang tagumpay nilang ito.

“Itong nomination na po na 'to hindi lang po para sa grupo namin. It's a big movement po for the Philippine music industry. Musikang Pilipino po,” aniya.

Kahanay ng SB19 sa nominasyon ang global superstar na si Ariana Grande, K-pop boy groups na BTS at Seventeen, at K-pop girl group na BLACKPINK.

Lahad ng grupo, kahit saan mang panig ng mundo ay taas-noong iwawagaygay ng SB19 ang watawat ng Pilipinas.

Kilalanin ang SB19 sa gallery na ito:

SB19 empowers listeners in their new single "What?"

LOOK: Lucky A'Tin meets idol SB19 on 'KMJS'; trends on Worldwide Twitter