What's Hot

SB19 Pablo on new single: 'Kailangan namin mag-take risk'

By Marah Ruiz
Published March 1, 2025 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wish for courage, calmness amid corruption issues — Cardinal David
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

 SB19 Pablo


Puno ng risk at exploration ang bagong single ng SB19 na "DAM."

Inilabas na ng P-pop group na SB19 ang bago nilang awit na "DAM."

Ito ang unang single mula sa upcoming comeback album nilang Simula at Wakas.

Kaakibat nito ang isang visually-stunning na music video kung saan mapapanood ang mga miyembrong sina Pablo, Stell, Ken, Josh, at Justin bilang mga karakter sa isang dark, medieval-inspired fantasy world.


Ayon kay Pablo, sinikap talaga nilang mag-level up para sa comeback na ito.

"For the longest time, 'yung tanong po diyan, 'Paano mo hihigitan 'yung sagad na?' Laging tanong namin, 'Paano ba natin hihigitan 'yung sagad na?' 'Paano ba tayo makakapg-explore and try to top what we've released from the past?' Nandito po kami sa point in life na kilala kami ng mga tao, nasa limelight kami, comfortable kami sa situation namin pero to be able to surpass what we have right now, kailang namin mag-take risk," paliwanag niya.

Hango ang song title na "DAM" sa salitang "pakiramdam" at tungkol ito sa pagsisikap na mapanatili ang personal values at morals ng isang tao sa kabila ng iba't ibang tukso habang inaabot ang pangarap.

Hot topic din sa kanilang fans na A'TIN ang style transformation ng mga SB19 members, partikular ang kay Stell na nagpahaba ng kanyang buhok.

"With the new look, I guess matagal na naming plinano talaga po 'yung ganitong konsepto. Para maging makatotohanan siya, I think na feel ko na magpahaba talaga ng hair just to stick doon sa concpet, sa brand na ilalabas namin. Tagal ko na po siyang plano but of course with our country na sobrang init, hindi talaga siya natutuloy. Tina-try ko siya before pero once humaba siya, papagupitan ko na kagad," kuwento niya.

Nakatakdang i-perform ng SB19 ang "DAM" sa All-Out Sundays sa March 2.

Naghahanda na rin ang grupo para sa kanilang Simula at Wakas world tour na magssimula sa May 31 sa Philippine Arena at makakarating sa Taipei, Singapore, at ilang stops sa Amerika at Canada.

Panoorin ang "DAM" ng SB19 dito: