GMA Logo sb19 on It's Showtime
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

SB19 performs latest single 'Visa' on 'It's Showtime'

Published March 2, 2026 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jerald Napoles at Kim Molina, ikinasal na
Faithful called to pray amid ongoing tension in Middle East
Double the Joy for Just P95—One-Day Burger Bundle This March 3!

Article Inside Page


Showbiz News

sb19 on It's Showtime


Nagpasalamat ang 'It's Showtime' sa Kings of P-pop na SB19 dahil naisama ang 'Madlang People' sa lyrics ng newest single nilang 'Visa.'

Naghatid ng pangmalakasang performance ang Kings of P-pop na SB19 sa It's Showtime kamakailan.

Sa opening ng naturang noontime variety show, pinerform nina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin ang kanilang latest single na pinamagatang "Visa." Ayon sa SB19, ang kanilang bagong kanta ay para sa mga kapwa Pilipino na patuloy na lumalaban para sa pangarap.

"Ang 'Visa' ay sumasalamin po sa hirap ng mga paglipad at societal challenges na patuloy nating hinaharap. At alam naman po natin 'yan, 'di ba," ani Josh.

Dagdag pa ni Justin, "At hindi lang 'yon, siyempre po ang kantang Visa po ay para sa lahat ng Filipino na nangangarap, naghihirap, at talagang lumalaban para po sa mga pangarap nila. Kasi alam po natin na minsan or madalas, nalilimitahan tayo dahil sa sistema pero patuloy tayong lumalaban. So sana po itong kantang ito ay magbigay ng inspiration para sa inyo."

Sa pangunguna naman ni Jhong Hilario, nagpasalamat siya sa SB19 dahil naisama ang "Madlang People" sa lyrics ng kanilang bagong single.

"On behalf of It's Showtime family, maraming salamat kasi naisali 'yung Madlang People doon sa lyrics n'yo. Nasama ang Madlang People!" aniya.

Bukod dito, itinuro rin ng SB19 sa hosts at sa audience ang dance steps ng kanilang bagong kanta.

Samantala, magaganap ang kanilang upcoming concert na "Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale" sa April 18 sa SMDC Festival Grounds.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Related content: The breakthroughs of King of P-pop SB19