
Pasabog ang performances na inihanda ng P-pop Kings SB19 sa pagsalubong sa Bagong Taon sa 5th Avenue sa Bonifacio Global City.
Pinangunahan ng SB19 ang New Year's Eve countdown sa BGC kasama ng iba pang Filipino artists tulad nina Apl.de.Ap, KZ Tandingan. TJ Monterde, Jay R, Dionela, Parokya ni Edgar, at G22.
Napuno ng hiyawan sa "NYE at the 5th" nang i-perform ng SB19 ang kanilang hits tracks na "DAM," "8TonBall," "Time," "DUNGKA!" at "CRIMZONE."
Pinasalamatan din ng SB19 ang fans na nag-abang sa kanila sa event. Inimbitahan nila ang lahat sa kanilang Wakas at Simula: The Trilogy Finale sa April 18.
Sa kanilang social media accounts, binati ng SB19 ang kanilang fans ng "Happy 2026, A'TIN."
Related content: SB19's 'Simula at Wakas' portraits