GMA Logo SB19 group
Source: officialsb19 (Instagram)
What's Hot

SB19, tatapusin ang WYAT world tour sa isang homecoming concert

By Bianca Geli
Published December 18, 2022 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 group


Handa na ang SB19 para sa kanilang homecoming concert sa Big Dome ngayong Linggo, December 18.

Matapos ang SB19 "Where You At?" (WYAT) World Tour, isang homecoming concert sa Big Dome ngayong December 18 ang nakahanda para sa mga fans ng P-pop group. Dito rin naganap ang kick-off ng kanilang WYAT world tour noong Setyempre.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, ibinahagi ng award-winning group kung paano naging memorable ang kanilang unang world tour.

Dinayo nina Pablo, Stell, Justin, Josh, at Ken ang Dubao, New York, Los Angeles, San Francisco, at Singapore

Nabanggit din ng SB19 ang kanilang plano na magkaroon muli ng isang world tour, na inaasahan magaganap sa susunod na taon.

"Walang exact date, pero siyempre next year po, magre-release po kami ng new album and susundan namin 'yun," ayon kay Pablo.

"Pupuntahan po namin siguro ang ibang bansa at ibang cities na hindi namin napuntahan. Of course, bigger venues," sabi naman ni Josh.

Inilabas din ng SB19 ang bago nilang kanta na "Nyebe."

Isinulat ito ni Pablo noong kalagitnaan ng pandemya kung saan naging impluwensiya niya ang Gospel music.

Saad ni Paolo, "In a way gusto ko pong maghatid ng isang kanta na kung ano 'yung talagang nararamdaman ko, nararamdaman din po ng mga tao sa paligid ko."

Ngayong balik Pilipinas na ang grupo, may kanya-kanya na rin silang plano para sa Pasko.

"Mag-spend po ng Christmas sa family," sabi ni Ken.

"Tatapusin 'yung mga kanta," sabi naman ni Pablo.

"I'll spend time with family. Ilang months na po akong hindi nakakauwi sa amin sa family ko po," ayon kay Stell.

"Ako po sa bahay lang din po," sabi ni Justin.

"Tapusin ko po 'yung mga tinatrabaho ko," dagdag naman ni Josh.

Tignan ang ilang highlights ng WYAT World Tour: