GMA Logo Jay Joseph and W3
Photo by: jayjoseph.j2x IG
What's Hot

SB19's choreographer Jay Joseph, labis ang pasasalamat sa suporta sa 'Dungka!'

By Kristine Kang
Published May 5, 2025 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Jay Joseph and W3


Kumasa sa "Dungka!" challenge ang choreographer na si Jay Joseph at W3.

Mapa-netizens man o celebrities, marami ngayon ang tumatangkilik at sumasali sa dance craze ng SB19 na "Dungka!"

Dahil sa energy at saya na dala nito, patuloy na pinupusuan ng fans ang kakaibang dance steps na ginawa ng choreographer na si Jay Joseph.

Sa GMA morning show na Unang Hirit, nakasama ng barkada ang choreography hitmaker.

Kuwento ni Jay, labis ang kanyang pasasalamat sa mainit na suporta ng fans sa ginawa niyang dance steps para sa "Dungka!"

"Siguro ang pakiramdam is grateful kaming lahat kasi kumbaga hindi lang naman ako lang talaga. Ako 'yung gumawa pero without them (W3), sa A'TINs, sa mga sumusuporta sa SB19, sa SB19 mismo, sa lahat ng taong naka-appreciate, hindi rin talaga siya magkakaroon ng ganitong results. So maraming salamat sa lahat ng mga nag-participate at tsaka sa effort. Thank you so much," pahayag niya.

Nang tanungin kung ano ang kanyang sikreto sa paggawa ng iconic steps, simpleng sinabi ni Jay na sa pakiramdam siya nakabase.

"Kung masarap siya sa feeling sayawin, ibig sabihin ganoon din mafi-feel ng mga manonood o kaya ganoon din ang mafi-feel ng mga taong sasayaw din [nito]," aniya.

Pinapakiramdaman din daw niya ang musika, dahil minsan mayroon na itong natural o bagay na aksyon.

Maliban sa panayam, sumabak din sa "Dungka!" challenge si Jay at ang W3 dance squad sa mismong kalye na tinape ang music video. Kasama rin niya ang isa sa content creators na kabilang sa "Dungka!" MV na si Kween Yasmin.

Si Jay Joseph din ang nasa likod ng hit dance choreographies ng SB19 song na “DAM” at solo track ni Pablo na “Butata.”

Silipin ang regal looks ng SB19 sa "Simula at Wakas":

Parte ang "Dungka!" ng bagong EP ng SB19 na "Simula at Wakas". Kasama rito ang iba pang tinatangkilik na tracks na “DAM,” "Time,” “8TonBall,” “Quit,” at “Shooting for the Stars.”

Ngayong May 31 at June 1, gaganapin ang kanilang world tour concert sa Philippine Arena, Bulacan. Bibisita rin ang Kings of P-pop sa Taiwan, United States, Canada, Singapore, the Middle East, Australia, Japan, at Hong Kong.

Balikan ang panayam ng SB19 tungkol sa kanilang mga pangarap at pagsisikap bilang P-pop stars: