
Game ang SB19 member na si Josh na subukan ang pag-aartista bukod sa pagiging isang idol.
Sa music video launch ng bagong niyang single na "GET RIGHT," sinabi ni Josh na noon pa man ay "marami nang nag-o-offer" sa kanya na malalaking kompanya at productions na mag-artista.
"Pero po I always choose to perform kasi before, and siyempre sa schedules medyo mahirap talaga," pagbabahagi ni Josh.
"Pero right now I'm considering it na magkaroon nga ng siguro acting career, i-venture out din kung ano 'yung mapupuntahan ko dito. Kasi ever since hindi ko ini-imagine 'yung sarili ko mag-aartista.
"Pero I think being an artist is always part of... 'di ba syempre acting, kasama 'yan sa paggawa ng music video. And it's a good thing to explore din."
Ibinahagi rin ni Josh ang role na gusto niyang gawin. Aniya, "Gusto ko talaga psycho e', something like that 'yung medyo uncommon. Kasi feeling ko I'll do good when it comes to those kind of roles since I love playing horror games, I love watching thriller movies."
Samantala, inilabas na ni Josh ang music video ng bago niyang single na "GET RIGHT" noong December 15. Panoorin sa video sa ibaba.
TINGNAN ANG NAGANAP NA MV LAUNCH NG "GET RIGHT" SA LUST NIGHTCLUB SA GALLERY NA ITO: