
Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Miyerkules, February 20, paglalaruan ni Lucy (Angelika dela Cruz) ang damdamin ni Belinda (Sunshine Dizon) para makuha ang yaman nito.
Patuloy pa rin ang paghahanap nina Belinda at Eduard (Marvin Agustin) nang nawawala nilang anak na si Anna. Gagamit si Lucy ng pekeng psychic para mamanipula ang pag-iisip ng kapatid niya. Balak kasi niyang pag-awayin sina Belinda at Eduard para siya na ang takbuhan ng kanyang kapatid at mahawakan na niya ang kayamanan nito.
Samantala, nakarating na sa Davao sina Aurora (Angelu de Leon), Socorro (Lynn Ynchausti-Cruz), Elsa at Melody. Maaalala ni Elsa ang kanta ng kanyang tunay na ina kaya iisipin nina Aurora at Socorro na delikado nang itago nila ang bata.
Panoorin:
Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.