
Ang problemadong si Alexa (IU) ay bigla na lang nabigyan ng isa pang pagkakataon sa buhay. Sa pagsagip niya sa isang batang muntik nang malunod, isang miracle ang naganap sa ilalim ng isang total solar eclipse: si Alexa from the 21st century ay napunta sa katawan ni Haesoo (IU) from the year 941.
Dito ay makikilala niya ang walong magkakapatid sa Goryeo: ang kinakatakutang si 4th Prince Wang-so (Lee Jun-ki), ang mabait na si 8th Prince Wang Wook (Kang Ha-neul) na tutulong kay Haesoo, si 3rd Prince Wang-yo (Hong Jong-hyun) na mataas ang ambisyon na maging susunod na hari, ang parang bata na si 10th Prince Wang Eun (Baekhyun), si 13th Prince Baek-ah (Nam Joo-hyuk) na mahilig sa sining at musika, ang bunso nilang magaling sa pakikipaglaban na si 14th Prince Wang-jeong (Ji-soo), si 9th Prince Wang-won (Yoon Sun-woo) na questionable ang loyalty, at ang second-in-line sa trono na si Crown Prince Wang-moo (Kim San-ho).
Ang pagdating ba ni Haesoo sa buhay nila ang magsasagip sa trahedyang naghihintay sa kapalaran ng mga prinsipe? Sinu-sino ang maglalaban para sa trono at para sa puso ni Haesoo?
Abangan sa Scarlet Heart Ngayong June 7 na, Monday to Friday 9:45 ng gabi sa GTV!