GMA Logo Mang Kepweng Returns movie in I Heart Movies digital channel
What's on TV

Scary movies, hatid ng I Heart Movies ngayong Halloween

By Marah Ruiz
Published October 28, 2025 9:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP to deploy over 70,000 cops for Simbang Gabi 2025
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Mang Kepweng Returns movie in I Heart Movies digital channel


Naghanda ng spooky films ang I Heart Movies para sa Halloween weekend.

Mag-celebrate ng Halloween kasama ang ilang spooky films na inihanda ng digital channel na I Heart Movies.

Isa na riyan ang horror comedy na Mang Kepweng Returns na pinagbidahan ni Vhong Navarro.

Gaganap siya dito bilang isang lalaking nakakakita ng mga multo at masasamang espirito.

Matatanggap ba niya ang kapalaran bilang napiling tagapagmana ng legendary albularyo na si Mang Kepweng?

Abangan ang Mang Kepweng Returns, October 31, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin ang horror anthology film na Huwag Kang Lalabas na mula sa award-winning director na si Adolf Alix Jr.

Tampok dito ang tatlong nakakakilabot na kuwento base sa Pinoy folklore and urban legends.

Tampok dito ang isang all-star cast kabilang si Kim Chui, Beauty Gonzalez, Aiko Melendez, at marami pang iba.

Abangan ang Huwag Kang Lalabas, November 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.