GMA Logo holy week 2026
What's Hot

SCHEDULE: GMA-7's Black Saturday Programming (April 4, 2026)

By Maine Aquino
Published March 30, 2026 11:39 PM PHT
Updated March 30, 2026 11:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Intellectual property filings hit record-high in 2025 — IPOPHL
These 36 women are competing for the 2026 Binibining Pilipinas crown
AraBella: Roselle and Ara| Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

holy week 2026


Narito ang listahan ng mga programa ng GMA-7 para sa Black Saturday, April 4, 2026.

Naghanda ang GMA-7 ng mga programang magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (April 2), Good Friday (April 3), at Black Saturday (April 4).

Kasabay ng paggunita ng Pilipinas sa Kuwaresma, ang mga inihandang programa sa GMA-7 ngayong Black Saturday.

Salubungin ang Sabado ng umaga sa kuwento ng isang pambihirang babae na nakahanap ng kapatawaran dahil sa kanyang pananampalataya sa Magdalena, 6:00 a.m.

Susundan naman ito ng Yakap: Pagninilay sa mga turo ng simbahan, 7:30 a.m; at ng Ang Buhay ni Hesus, 9:30 a.m.

Pagpatak ng 12:00 p.m., sabay-sabay nating panoorin ang It's Showtime.

Mapapanood naman ang pelikulang pinagbidahan ni Whoopi Goldberg noong 1992 na Sister Act, 2:30 p.m.

Abangan naman ang kuwento ng 66-anyos na lola na sumisisid sa isang ilog sa Bulacan para sa pinakaaasam na butil ng ginto sa Reporter's Notebook: Latak na Ginto, 4:30 p.m.; kasunod nito ang pinagdadaanan ng mga mamamayan sa state of public infrastructure sa bansa sa Broken Roads, Broken Promises: Isang Paglalakbay Kasama si Dingdong Dantes, 5:00 p.m.

Patuloy ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras Weekend, 6:30 p.m.

Mapapanood din sa Black Saturday ang award-winning film mula sa GMA Pictures na Firefly, 7:30 p.m.; at ang pelikulang isinulat at pinagbidahan ni Michael V. na Family History, 9:30 p.m.

Magtatapos ang Black Saturday special Lenten programming sa historical and spiritual journey ng I-Witness: Pagsilang ng Tagapagligas, 11:15 p.m.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Maundy Thursday rito.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Good Friday rito.

Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, April 5.

Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!