GMA Logo holy week 2026
What's Hot

SCHEDULE: GMA-7's Good Friday Programming (April 3, 2026)

By Maine Aquino
Published March 30, 2026 11:39 PM PHT
Updated March 30, 2026 11:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Intellectual property filings hit record-high in 2025 — IPOPHL
These 36 women are competing for the 2026 Binibining Pilipinas crown
AraBella: Roselle and Ara| Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

holy week 2026


Narito ang listahan ng mga programa ng GMA-7 para sa Good Friday, April 3, 2026.

Naghanda ang GMA-7 ng mga programang magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (April 2), Good Friday (April 3), at Black Saturday (April 4).

Kasabay ng paggunita ng Pilipinas sa Kuwaresma, ang mga inihandang programa sa GMA-7 ngayong Good Friday.

Sama-sama nating simulan ang Good Friday sa mga himalang ipinamalas ni Hesus sa pamamagitan ng mga kuwento ng mga batang nakasaksi nito sa The Story of Jesus for Children, 6:00 a.m.

Kasama rin sa special Lenten programming ng GMA ang Power to Unite with Elvira, 7:30 a.m.

Mga kuwentong pambata at puno ng inspirasyon ang inihanda sa Biyernes ng umaga. Abangan ang Cats and Peachtopia, 8:00 a.m.; Surf's Up 2: WaveMania, 9:00 a.m.; at Lassie, 10:30 a.m.

Sa ganap na 12:00 p.m., magnilay at gunitain ang Seven Last Words ni Hesus sa Siete Palabras.

Mapapanood naman ang 1980 film ni Fernando Poe Jr. na Aguila ng 2:30 p.m.; at ang kuwento ng pagsubok at pag-asa sa Tanikala: Ako'y Sa 'Yo, 5:30 p.m.

Patuloy ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras, 6:30 p.m.

Abangan sa Good Friday ang pelikulang pinagbidahan nina Alden Richards at Sharon Cuneta na Family of Two (A Mother and Son Story), 7:30 p.m.; susundan naman ito ng romance drama film na I love Izzy, 9:30 p.m.

Bago magtapos ang Good Friday, panoorin si Howie Severino sa isang natatanging paglalakbay sa dokumentaryong I-Witness: Nasaan ang Antipolo?, 11:15 p.m.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Maundy Thursday rito.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Black Saturday rito.

Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, April 5.

Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!