GMA Logo Holy Week 2023
What's Hot

SCHEDULE: GMA-7's Good Friday Programming (April 7, 2023)

By Marah Ruiz
Published March 29, 2023 6:11 PM PHT
Updated March 29, 2023 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Sleat, Gojo Cruz save best for last as Perpetual beats Benilde in battle for third
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Holy Week 2023


Narito ang listahan ng mga programa ng GMA-7 para sa Good Friday, April 7, 2023.

Habang ginugunita ng Pilipinas at Simbahang Katoliko ang Kuwaresma, naghanda ang GMA-7 ng mga programa na magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (April 6), Good Friday (April 7), at Black Saturday (April 8).

Narito ang mga programang matutunghayan sa GMA-7 ngayong Good Friday.

Magbubukas ang Good Friday sa Power To Unite with Elvira, isang internationally-acclaimed religious program, hosted by Papal Pro Ecclesia awardee Elvira Yap Go, 6:00 a.m.

Balikan naman ang buhay ng ating Panginoon at Tagapagligtas sa pelikulang Jesus, 6:30 a.m.

Susundan ito ng 2023 April General Conference ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints, 8:00 a.m.

Magnilay at gunitain ang seven last words ni Hesus sa Siete Palabras, 12:00 p.m.

Balikan din ang mga mahahalagang kuwento mula sa Old Testament at New Testament sa The Bible, 3:00 p.m.

Tunghayan ang isang kuwento ng pagkakaibigan at pananampalataya sa Tanikala: Kampihan, 5:00 p.m.

Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras, 6:00 p.m.

Huwag palampasin ang classic Biblical film at Holy Week favorite na The Ten Commandments starring Charlton Heston, 6:30 p.m.

Panoorin din ang romantic drama film na tungkol sa love at career, ang How to be Yours starring Bea Alonzo and Gerald Anderson, 10:30 p.m.

Silipin rin ang listahan ng GMA-7 programs para sa Maundy Thursday dito.

Silipin rin ang listahan ng GMA-7 programs para sa Black Saturday dito.

Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, April 9.

Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!