
Habang ginugunita ng Pilipinas at Simbahang Katoliko ang Kuwaresma, naghanda ang GMA-7 ng mga programa na magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (April 17), Good Friday (April 18), at Black Saturday (April 19).
Narito ang mga programang matutunghayan sa GMA-7 ngayong Maundy Thursday.
Gunitain ang mga himalang ipinamalas ni Hesus sa pamamagitan ng mga kuwento ng mga batang nakasaksi nito sa The Story of Jesus for Children, 6:00 a.m.
Triple ang saya para sa mga bata dahil sa magkakasunod na animated specials na Flushed Away, 7:30 a.m.; Alvin and the Chipmunks: The Roadchip, 8:30 a.m.; at Space Jam: A New Legacy, 10:00 a.m.
Balikan din ang kuwento ni Noah at ng arkong binuo niya sa utos ng Diyos sa Noah, starring Russell Crowe, 11:30 a.m.
Ibabahagi naman ni Jillian Ward ang naging impluwensiya ng nanay niya sa kanyang buhay at career sa My Mother, My Story: Jillian Ward, 1:30 a.m.
Ma-inspire sa kuwento ng buhay ni Jesus mula sa pananaw ng mga taong nakasalamuha niya tulad ng mga apostol, disipulo, at maging ng mga ordinaryong tao sa The Chosen, 2:30 p.m.
Sisirin ang mundo ng mga pearl divers sa Sulu sa documentary na nag-uwi ng Silver Dolphin Trophy mula sa Cannes Corporate Media and TV Awards, ang The Atom Araullo Specials: Hingang Malalim, 5:30 p.m.
Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras, 6:30 p.m.
Huwag din palampasin ang classic Biblical film at Holy Week favorite na The Ten Commandments starring Charlton Heston, 7:30 p.m.
Magtatapos naman ang araw sa makabuluhang dokumentaryo ni John Consulta tungkol sa isang doktor na binabaybay ang karagatan para makapaghatid ng medical services sa isang liblib na komunidad sa Sulu sa i-Witness: Doctor on a Boat, 11:15 p.m.
Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Good Friday dito.
Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Black Saturday dito.
Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, April 20.
Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!