GMA Logo GMA Maundy Thursday schedule
What's Hot

SCHEDULE: GMA-7's Maundy Thursday Programming (April 2, 2026)

By Maine Aquino
Published March 30, 2026 11:37 PM PHT
Updated March 30, 2026 11:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Intellectual property filings hit record-high in 2025 — IPOPHL
These 36 women are competing for the 2026 Binibining Pilipinas crown
AraBella: Roselle and Ara| Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Maundy Thursday schedule


Narito ang listahan ng mga programa ng GMA-7 para sa Maundy Thursday, April 2, 2026.

Naghanda ang GMA-7 ng mga programang magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (April 2), Good Friday (April 3), at Black Saturday (April 4).

Kasabay ng paggunita ng Pilipinas sa Kuwaresma, ang mga inihandang programa sa GMA-7 ngayong Maundy Thursday.

Magsisimula ang Maundy Thursday sa kuwento ng buhay ng ating Panginoon at Tagapagligtas sa pelikulang Jesus, 6:00 a.m.

Susundan naman ito ng mga pelikulang Soccer Dog: European Cup, 7:30 a.m.; My Bestfriend's Wedding, 9:00 a.m.; at Forrest Gump, 10:30 a.m.

Sa ganap na 12:00 p.m. mapapanood natin ang It's Showtime.

Pagpatak ng 2:30 p.m., masasaksihan ang epic fantasy film na The Hobbit: The Battle of the Five Armies.

Tampok din sa Maundy Thursday ang dokumentaryong kinilala sa Asian Academy Creative Awards, ang Reporter's Notebook: Upuan Ni Ipiw, 5:00 p.m; at ang kuwento ng pagsubok na kinahaharap ng ilang mga estudyante sa bansa para matuto araw-araw sa The Atom Araullo Specials: Tawid-Aral, 5:30 p.m.

Patuloy ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras, 6:30 p.m.

Ipapalabas naman ang classic Biblical film na The Ten Commandments starring Charlton Heston ng 7:30 p.m.

Pagdating ng 11:15 p.m., mapapanood ang I-Witness: Holy Land, na tampok ang mga holy sites na nakasaksi ng nangyari sa buhay ni Hesus.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Good Friday rito.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Black Saturday rito.

Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, April 5.

Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!