
Habang ginugunita ng Pilipinas at Simbahang Katoliko ang Kuwaresma, naghanda ang GMA-7 ng mga programa na magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (April 6), Good Friday (April 7), and Black Saturday (April 8).
Narito ang mga programang matutunghayan sa GMA-7 ngayong Maundy Thursday.
Panoorin ang kuwento ng isang pambihirang babae na nakahanap ng kapatawaran dahil sa kanyang pananampalataya sa Magdalena, 6:30 a.m.
Susundan ito ng 2023 April General Conference ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints, 8:00 a.m.
Sumama sa exciting na paglalakbay sa fantasy adventure films na Dugo ng Panday, 9:00 a.m. at Magikland, 10:30 a.m.
Inspiring naman ang kuwento ng isang babae na kahit hindi kadugo, lubos pa rin ang malasakit at pagmamahal sa mga batang inaaalagaan niya sa Our Mighty Yaya, starring Aiai delas Alas 12:00 p.m.
Balikan ang mga mahahalagang kuwento mula sa Old Testament at New Testament sa The Bible, 2:00 p.m.
Humugot din ng inspirasyon sa kuwento ng mga taong masusubukan ang pagmamahal at pananampalataya sa Tanikala: Senior Moment, 5:00 p.m.
Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras, 6:00 p.m.
Sama-sama tayong kiligin sa sunud-sunod na romantic movies na Just the Way You Are (6:30 p.m) starring Enrique Gil and Liza Soberano, Finally Found Someone (8:30 p.m) starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo, at Imagine You and Me (10:30 p.m) starring Alden Richards and Maine Mendoza.
Silipin rin ang listahan ng GMA-7 programs para sa Good Friday dito.
Silipin rin ang listahan ng GMA-7 programs para sa Black Saturday dito.
Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, April 9.
Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!