
Muling nagpakasal sina PBA star Scottie Thompson at Jinky Serrano sa pamamagitan ng isang beach ceremony sa Davao Del Norte noong December 16, anim na buwan matapos ang kanilang unang kasal.
Dinaluhan ng malalapit na kaibigan at pamilya nina Scottie at Jinky ang kanilang beach wedding at isa na rito ang player agent na si Danny Espiritu.
Noong December 11, ipinakita ng Nice Print Photo ang naging post-nup shoots ng mag-asawa sa isang beach resort kung saan kapwa naka-casual attire sina Scottie at Jinky.
Unang ikinasal sina Scottie at Jinky sa pamamagitan ng isang civil wedding noong Hunyo sa Las Pinas.
Samantala, balikan ang post-nup photos nina Scottie at Jinky sa gallery na ito: