
Lalong umiinit ang selebrasyon ng ikaapat na anibersaryo ng Family Feud!
Ngayong March 3, magpapatuloy ang “four-ever ang tawa, four-ever ang saya” episodes ng Family Feud. Teams of showbiz royalty naman ang ating masasaksihan sa Family Feud stage.
Mangunguna sa Team Legendary ang hinahangaang aktres na si Hilda Koronel. Kasabay ng kanyang inaabangang pagbabalik sa pelikulang Sisa, dala niya ang isang powerhouse lineup. Ang award-winning comedienne na si Eugene Domingo, ang brilliant young star na si Barbara Miguel, at ang character actor at bagong abogado na si Nico Antonio.
Maglalaro naman sa Team Iconic ang mga “Who's Who” ng Philippine cinema. Ang leader ng Team Iconic ay ang sophisticated at timeless beauty na si Dina Bonnevie, kasama niya ang award-winning greats na sina Carmi Martin, Bembol Roco, at Rez Cortez.
Bukod sa survey showdown, isa rin itong pagbabalik-tanaw sa makukulay na alaala ng pelikulang Pilipino. Lahat ng miyembro ng Team Iconic ay nakasama na ni Hilda Koronel sa mga pelikula tulad ng Tanging Yaman, Working Girls, Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, at Angela Markado.
Sali na sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng ikaapat na taon ng Family Feud ngayong March 3, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Hating Kapatid, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, Delightfully Deceitful, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.
RELATED CONTENT: Family Feud Guess More Win More Promo, magbibigay ng papremyo mula hapon hanggang gabi simula March 2!