
Paano kung ang iyong kapalaran pala ay nakabase sa kuwento na iyong isinulat?
Dito iikot ang kuwento ng pinakabagong seryeng handog ng GMA Heart of Asia sa ating mga Kapuso, ang Scripting Your Destiny na mapapanood na mamaya pagkatapos ng Saksi.
Mula sa lumikha ng mga dekalibreng Korean drama na Secret Garden, Mr. Sunshine, at Descendants of the Sun na bumago sa ating pananaw pagdating sa buhay at pag-ibig, isang naiibang istorya naman ang hatid ng Scripting Your Destiny.
Ito ay tungkol sa bathala ng kapalaran na si Gabriel (Ki Do-hoon) na naatasang isulat ang kapalaran sa pag-ibig ng isang mortal na si Charisse (Jeon So-nee), isang scriptwriter sa mundo ng mga tao.
Source: heartofasia2003 (Instagram)
Dahil walang alam si Gabriel tungkol sa love story, kumukuha lang siya ng ideya sa mismong script na isinusulat ni Charisse.

Source: heartofasia2003 (Instagram)
Sa kapalarang isinusulat ni Gabriel para kay Charisse, isang mayaman, mabait, at may mabuting puso na mortal ang nais niyang makatuluyan ni Charisse. Ito ay ang television producer na si Barry (Kim Woo-seok).
Source: heartofasia2003 (Instagram)
Ngunit sa pagpupursige ni Gabriel na mahulog ang loob ni Charisse kay Barry, siya naman ang mas lalong napamahal kay Charisse - bagay na sisira sa sarili niyang mga plano at isinulat na kapalaran.
Itutuloy kaya ni Gabriel ang kapalaran na isinulat niya para kay Barry? O sisirain niya rin ito upang hindi sila magkatuluyan ni Charisse?
Bukod kina Ki Do-hoon, Jeon So-nee, at Kim Woo-seok, kabilang din sa K-dramang ito sina So Hee-jung bilang Mila, Park Sang-nam bilang Moy, at Kal So-won bilang Frances.
Huwag palampasin ang two-week special screening ng isa sa pinakamalaking drama ng GMA Heart of Asia ngayong 2021 ang Scripting Your Destiny simula mamaya, 11:30 ng gabi pagkatapos ng SAKSI!