
Hindi inaasahan ni Sean Lucas na maraming magkakagusto sa love team nila ni Chanty sa hit youth-oriented show na MAKA, na nagpapatuloy sa spinoff nito na MAKA LOVESTREAM.
Sa interview ng GMANetwork.com, nagpapasalamat si Sean sa fans na sumusuporta sa kanilang love team ni Chanty.
"Very thankful, actually, kasi kami ni Chanty hindi naman talaga expected 'yun na mangyari. At saka talagang nagkukulitan lang kami and it just so happened that people like it.
"Very thankful lang ako sa mga taong nagkagusto no'n and sinusuportahan kami kasi nakikita ko sobrang sipag din ng iba to like, to comment, to share," sabi ng aktor.
Dagdag pa ni Sean, thankful siya kay Chanty na pumayag na maging partner nito. Aniya, "And super thankful din ako kay Chanty na ina-allow niya akong maging partner niya."
Nang tanungin tungkol sa closeness nila ni Chanty, sagot ni Sean, "Off-cam we're very close. Isa siya sa mga pinaka-close ko talaga. I just like talking to her, that's all."
Subaybayan sina Sean Lucas at Chanty bilang Kurt at Stacy sa unang yugto ng MAKA LOVESTREAM na "28 Days," tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES SA 'MAKA LOVESTREAM' SA GALLERY NA ITO: