
Sasabak sa isang amazing ATV race ang Sparkle artists na sina Sean Lucas, Joaquin Manansala, at Larkin Castor sa Amazing Earth.
Sa Biyernes (November 1), mapapanood natin sina Sean, Joaquin, at Larkin sa Capas, Tarlac para sa isang ATV race sa Pinatubo lahar trail.
Pagkatapos ng 10 taon ng super-typhoon Yolanda, may exclusive interview ang Amazing Earth sa isang survivor mula sa Ormoc City. Ibabahagi rin ni Dingdong Dantes ang kuwento tungkol sa storm surges at ang mga paraan para mapaghandaan ito.
Hindi rin papahuli ang mga kuwento ng Kapuso Primetime King sa Filipino version nature-documentary na “Wild Kingdoms: Desert Survivors.”
Abangan ang Friday night adventure na handog ng Amazing Earth ngayong Biyernes (November 1), 9:35 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestreaming sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.