
Sumabak sa isang amazing adventure sa Capas, Tarlac ang Sparkle stars na sina Sean Lucas, Joaquin Manansala at Larkin Castor.
Noong November 3, napanood sa Amazing Earth ang kanilang pagsabak sa ATV challenge sa Pinatubo Lahar Trail. Ayon sa kuwento ni Dingdong Dantes, ito ay paboritong playground ngayon ng mga mahihilig sa adventure.
Tampok din sa Amazing Earth ang exclusive interview sa survivor ng super typhoon Yolanda na si Rita Managbanag. Kumusta na nga ba sila sa Ormoc City pagkatapos ng 10 taon nang manalasa ang bagyong Yolanda?
Abangan ang iba pang mga kuwento at adventures ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth. Manood ng Amazing Earth tuwing Biyernes, 9:35 pm sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.