GMA Logo Sean Lucas
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Sean Lucas, mas masakit daw marinig ang 'hindi na kita mahal' sa karelasyon

By Kristine Kang
Published June 21, 2026 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH monitors minerals, Chinese influx amid Bajo de Masinloc structure concerns
Ateneo de Davao University names covered courts after Rene Baterbonia
The Father Who Never Leaves

Article Inside Page


Showbiz News

Sean Lucas


Tila may hugot si Sean Lucas sa isa sa mga tanong sa 'The People Have Spoken'!

Napuno ng hugot vibes ang studio audience at celebrities sa recent episode ng The People Have Spoken.

Nitong Sabado (June 20), tinanong ang mga kalahok kung alin ang mas masakit marinig mula sa isang karelasyon: "Hindi na kita mahal o may mahal na akong iba?"

Sa naturang round, parehong pinili ng Team ChanSu (Chanty Videla at Sugar Mercado) at Team Kebab (Kevin Montillano at Euleen "Yobab" Castro) ang pangalawang sagot sa choices.

Sang-ayon din daw ang celebri-peep na si Baus Rufo, na tila may hugot sa tanong.

"Sobrang na-trigger po kasi ako sa tanong na 'to e," biro niya.

"Kasi talaga naman, mas masakit kung marinig na may mahal na siyang iba. Kasi ako na 'yun e! Pinagpalit mo ko, isipin mo nasa kama ka na, bumaba ka sa sahig. Pero kahit masakit marinig 'yun, naniniwala ako na kaya kong maka-move on dahil sabi nga ng paborito kong kanta, 'Love, Love has come my way, everything is gonna be okay.'"

Nadagdagan na naman ng hugot vibes sa studio nang may sagot din si Sean Lucas.

"Ang isasagot ko, hindi na kita mahal. Kasi at least [sa isa] may comparison ka, e. Ito, nagdesisyon lang siya na tigilan niyang mahalin ka. Ang sakit non marinig na parang kahit wala ka ginagawang mali, hindi na kita mahal. Hindi lang ako sapat ibig sabihin," kwento ng Sparkle host.

Samantala, sumasang-ayon din si Heart sa sagot ni Sean.

"Parang never naman nila akong 'di minahal," patawang sinabi ni Heart.

"Pero nasabi ko nang hindi na kita mahal. Para sa akin, 'yun siguro 'yung mas masakit kasi hindi dahil nakakita siya ng iba o dahil sa ibang aspeto, bigla na lang siya nawala. So 'yun siguro 'yung masakit. Kahit sa taong nagsabi 'yon, masakit din sabihin 'yun."

Sa huli, parehong nagwagi ang dalawang celebrity pairs sa naturang round na may 70% ng People na pumili rin sa "May mahal na akong iba."

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Silipin ang ilang 'boyfie material' photos ni Sean Lucas sa gallery na ito: