
Solid talaga ang kuwentuhan at papremyo sa newest original game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken.
Nitong Sabado (July 4), sinagot ng People at ng celebrity pairs ang tanong na: "Mahal ang birthday gift sa 'yo ng friend mo pero 'di mo ito gusto. Ano ang gagawin mo?"
Sa mga pagpipilian, parehong pinili ng Team AshRox (Ashley Ortega at Roxie Smith) at Team ZephChael (Zephanie at Michael Sager) na itago na lamang ang regalo.
Ngunit para kay Heart Evangelista, mas gugustuhin niyang ibenta ito.
"Para sa kin, personally. Not that I have done it," ani Heart habang natatawa sa kanyang disclaimer.
"But I would've sell. I will let them know na binenta ko 'yun. Pero papalam ko rin saan napunta. I will give them a gift in return and share. Tell them what I got instead. I feel like it's very mature," dagdag niya.
Samantala, tinanong naman ni Sean Lucas ang ilan sa People tungkol sa kanilang opinyon.
"I will agree to Miss Heart po.. but for a cause," sabi ng isa sa People.
"Hindi po 'yung idi-display lang. Kundi po 'yung I think na [makakatulong] po sa community. 'Yung mapapakinabangan po."
Kaagad namang humanga ang witty actor-host.
"So ibebenta mo ta's ido-donate mo 'yung funds?" tanong niya.
"Opo," tugon ng napiling People.
"Wow! Napaka bait mo naman! Grabe! I hope more people are like you," papuri ni Sean.
"Mahusay. Kaysa mabulok," dagdag naman ni Heart.
Sa huli ng naturang round, pinili ng People na itago na lamang ang regalo na nakakuha ng 85% votes.
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Balikan ang behind-the-scenes photos ni Sean Lucas sa The People Have Spoken, dito: