
Sa nalalapit na pagpapalabas ng afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap, kaabang-abang din kung sinu-sino ang mapapanood sa pinakabagong handog ng GMA Network.
Bukod kina Carmina Villarroel at Jillian Ward, kabilang din sa star-studded cast ng serye ang seasoned actress na si Pinky Amador.
Bibigyang buhay ni Pinky ang karakter ni Moira Tanyag, ang asawa ni RJ Tanyag na gagampanan naman ng aktor na si Richard Yap.
Sa naging panayam ng GMANetwork.com sa aktres, ibinahagi niya ang katangian ng karakter na kaniyang gagampanan.
Ayon kay Pinky, “Si Moira ay asawa ni RJ Tanyag, mapagmahal na asawa at mayroon silang anak. Lahat gagawin niya para maitaguyod ang pamilya. Mapagmahal siyang ina pero secretly ay matapobre.”
Makakasama rin niya rito ang aktres na si Kazel Kinouchi na gaganap bilang si Zoey Tanyag, ang anak nina RJ Tanyag (Richard Yap) at Moira (Pinky Amador).
Abangan ang kahanga-hangang husay sa pag-arte ng veteran actress na si Pinky Amador, malapit na sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: