
Unti-unti nang pinapangalanan ang mga pasok sa top 30 ng inaabangang bagong season ng The Clash na ipapalabas sa susunod na taon.
Matapos ianunsyo ang unang limang Clashers, muling naglabas ang programa noong Martes, December 20, ng panibagong batch na makakatungtong sa Clash arena.
Kilalanin ang mga miyembro ng ikalawang set na nakapasa sa The Clash 2023 top 30 dito:
Liana Castillo, 16, Laguna
Beverlyn Silva, 24, Batangas
Rex Baculfo, 27, Caloocan
Pupa Dadivas, 22, Capiz
Carl Lasam, 24, Tuguegarao
Manatiling bumisita sa GMANetwork.com/TheClash kung sinu-sino pa ang pasok sa top 30 ng The Clash 2023.
Para sa iba pang updates tungkol sa TV singing competition, pumunta lang sa offiicial Facebook, Twitter, TikTok, at YouTube pages ng The Clash.
SAMANTALA, BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, BALIKAN ANG MUSICAL JOURNEY NG REIGNING CHAMP NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: