
Dumating na ang itinakdang petsa para sa ikalawang eviction night ng Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Mababawasan ang miyembro ng pamilya ni Kuya ngayong Sabado ng gabi, November 21.
Dito ay iaanunsyo kung sino sa Team Kapuso at Team Kapamilya ang lalabas na sa Bahay ni Kuya at tuluyan nang babalik sa outside world.
Sa nagdaang isang linggo, ang mga napabilang sa listahan ng mga nominadong Kapuso ay sina Raheel Bhyria, Nicole Fortuna, at Bela Arcal, at sa Kapamilya naman ay sina Nathan Garcia, Primo Alterado, at Cianne Dominguez.
Sino kaya ang dalawang housemates na lalabas na sa Bahay Ni Kuya?
Talaga namang hindi dapat palampasin ng viewers, netizens, at fans ang susunod na mga kaganapan sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Mapapanood ito sa GMA at Kapuso Stream, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m., tuwing Sabado, 6:15 p.m., at 4:55 p.m. naman tuwing Linggo.
Silipin ang moments ng housemates bago sila pumasok sa Bahay Ni Kuya sa gallery na ito: