
Isa na namang TikTok video ng Owe My Love co-stars na sina Long Mejia at King Badger ang patok sa netizens.
Ang ikalawa nilang video, may mahigit isang milyong views na rin.
Hindi nagpapigil sa paghahatid ng katatawanan at good vibes ang dalawang komedyante sa TikTok video na uploaded sa GMA Public Affairs account.
@gmapublicaffairs Happy Friday mula kay Long Mejia and King Badger! ❤️ ##gmapublicaffairs ##funny ##comedy ##face ##fyp ##foryourpage ##xyzbca ##cute
♬ 嗚咿嗚啊啊 - ?逼?
Kinagiliwan naman ito ng netizens at umani na ng mahigit isang milyong views nitong Lunes, March 30.
Matatandaang naging viral na rin sina Long at King Badger sa kanilang naunang TikTok video kung saan napa-react ang una dahil sa pagpapa-cute na ginawa ng Ex Battalion member.
Ang dalawa ay gaganap na mag-ama sa upcoming Kapuso rom-com series na pabibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves, ang Owe My Love.
TikTok video ng #JoLai couple na sina King Badger at Jelai Andres, may mahigit 1M views na
WATCH: Mahal, napagkamalang pusa sa office ng GMA Network?