What's Hot

#SecondChance: Carlo Aquino naka-pogi points kay Angelica Panganiban no'ng V Day

By Aedrianne Acar
Published February 15, 2018 11:45 AM PHT
Updated February 15, 2018 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Bibigyan ni Angelica Panganiban ng pogi points si Carlo Aquino para sa sweet gesture nito.

May pag-asa kaya na ang dating magkarelasyon ay magkabalaking muli?

Kung tatanungin ang mga fans nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ay malaki ang pag-asa na mauwi sa pagiging couple ang dalawang artista.

#SakitBes: 36 celebrity breakups na iniyakan ninyo

Matatandaan na nag-break ang dalawa taong 2006.

Mas lalong umugong ang kuwento na may chance silang magkabalikan nang kinumpirma ni Angelica sa kaniyang Instagram story ang ginawang sweet gesture ni Carlo Aquino this Valentine’s Day.

Ayon sa post ng actress, bibigyan daw niya ng pogi points si Carlo Aquino sa pagbibigay sa kaniya ng boquet of flowers.

Dating karelasyon ni Angelica Panganiban ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz (JLC). Pero nauwi din sa hiwalayan ang kanilang four-year relationship.

Nali-link ang aktor ngayon sa former Bubble Gang babe na si Ellen Adarna at may tsismis na kumakalat diumano na ipinagbubuntis na ni Ellen ang anak nila ni JLC.

Pero hanggang sa ngayon wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang dalawa patungkol sa isyu na ito.