GMA Logo Helen, Santi, Secret Affair
Courtesy: Secret Affair and GMA
What's Hot

Secret Affair: Distansya nina Helen at Santi | Weekly Recap

By Kristine Kang
Published April 1, 2024 2:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Helen, Santi, Secret Affair


Unti-unti bang mahihiwalay na sina Helen at Santi sa isa't isa?

Pinag-uusapan na sa trabaho ang iskandalong sikreto nina Helen at Santi. Kahit may gulong nagaganap sa loob ng foundation, mainit pa rin ang chismis tungkol sa kanilang relasyon.

Nag-aalala sa sitwasyon, nag-usap muna ang dalawa sa isang bakanteng gusali malapit sa bahay ni Madame Han.

Inalaala nila ang pangyayari sa backstage at nahulaan na ni Helen at Santi na alam na rin ni Hector ang kanilang pagtataksil.



Habang kinakalma ang sarili, biglang may natanggap si Helen ng text message mula sa isang unknown sender na nagsasabing alam niya ang tungkol sa kanilang lihim na relasyon.

Galit at nag-aalala, nagpasya si Helen na harapin ang kanilang problema at alamin kung sino ang nasa likod ng text message. Sinabi rin niya kay Santi na iwasan muna nilang magkita ng palihim habang mainit pa ang sitwasyon.

Habang dumidistansya sa isa't isa, kinausap si Santi ng kaniyang mga nag-aalalang kaibigan. Pinayuhan nila ang binata na layuan ang kaniyang guro dahil sa maimpluwensyang mundong ginagalawan nito.

Ngunit hindi ito pinakinggan ni Santi at ibinuhos niya ang kaniyang nararamdaman sa pamamagitan ng kaniyang musika.



Samantala, lumapit si Helen sa kaniyang kaibigan para ibuhos ang kaniyang sama ng loob tungkol sa kaniyang sitwasyon. Sa sobrang pagka-miss kay Santi, hindi napigilang umiyak ni Helen sa harapan ng kaniyang kaibigan.



Hanggang kailan kaya magdidistansya sina Helen at Santi? Maipaglalaban ba nila ang kanilang pag-iibigan?

Sino kaya ang tunay na nasa likod ng text message?

Abangan ang kapana-panabik pang mga eksena sa Secret Affair, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.

Related gallery: Meet 'Secret Affair' star Kim Hee-ae