
Noong nakaraang linggo, nasaksihan sa 'Secret Affair' kung paano mas lumala ang sitwasyon ni Helen sa kaniyang trabaho.
Dahil pabigat nang pabigat na kaso ng chairman, nagdesisyon ang magkalabang sina Aiko at Madam Han na magtulungan muna upang pilitin si Helen na saluhin ang parusa na naghihintay para sa chairman.
Kahit pilit lumalaban si Helen para makaalis sa kaniyang delikadong posisyon, hindi pa rin niya maiwasang matakot at mapagod. Kaya naman humingi siya ng tulong sa kaniyang mga kaibigan para makita niya ulit si Santi.
Sa kanilang pagkikita, hindi mapigilan ni Santi maawa nang nasilayan niya ang kaniyang minamahal na pagod at stressed.
Sa labis nilang pagka-miss sa isa't isa, nag-usap kaagad sina Helen at Santi. Nang tumagal ang kanilang usapan, hindi nakatiis si Santi na paki-usapan si Helen na tigilan na ang lahat at tumakas na lang sila at magpakalayo.
Ngunit dahil nais pa rin ni Helen protektahan ang kaniyang career at ang kanilang relasyon, nagdesisyon siya na ipagpatuloy ang kaniyang mga plano sa kabila ng pagod at emosyon na nararanasan niya.
Pinakiusapan niya din si Santi na ipagpatuloy na lang muna ang kaniyang pag-aaral sa musika at tiising makita siya at ang kaniyang asawa na magkasama.
Dahil naniniwala siya sa pagmamahal ni Helen, sinunod ni Santi ang paki-usap ng kaniyang minamahal.
Courtesy: Secret Affair and GMA
Bilang isang mapagkumbaba at simpleng tao lamang, nagboluntaryo rin si Santi tulungan ang kaniyang mga nahihirapang kamag-aral sa kanilang papalapit na exam.
Sa kanilang magkakasamang pag-eensayo ng duet, naging masaya at maayos kahit papano ang emosyon ni Santi.
Courtesy: Secret Affair and GMA
Pagkalipas ng ilang araw, inimbitahan ni Hector si Santi sa kanilang bahay para sa kanilang interview at party.
Dahil ito rin ay kasama sa plano nina Helen at Hector upang pabanguhin ang kanilang pangalan, nagpanggap na masaya at sweet ang mag-asawa habang si Santi naman ay pinapalabas nilang parang kanilang anak o loyal apprentice.
Pero kahit anong pagkukunwari nina Helen at Santi, hindi nila mapigilan ang kanilang emosyon na puno ng lungkot, selos, at takot sa kanilang sitwasyon.
Kahit nais ni Santi umalis na lamang, hindi niya kayang gawin ito dahil sa pananadya ni Hector sa harapan ng kanilang mga bisita.
Courtesy: Secret Affair and GMA
Nang lumalim na ang gabi, natapos ang kanilang munting kasiyahan dahil sa sobrang kalasingan ni Hector.
Pagkatapos pagpahingahin ang kaniyang asawa at makitang umalis na ang lahat, hindi natiis ni Helen yakapin si Santi. Batid niyang nahirapan ang kalooban nito na makita siyang kasama ng ibang lalaki.
Kaysa magalit, piniling maging maunawain na lamang si Santi para kay Helen kahit nasaktan siya sa kanilang sitwasyon.
Para makaiwas sa gulo, agad umuwi si Santi. At dahil sa sobrang lungkot na nadarama nila sa kanilang mga puso, umiyak buong gabi sina Helen at Santi.
Courtesy: Secret Affair and GMA
Kasabay ng kaniyang mabigat na damdamin, nadagdagan pa ang problema ni Helen nang may lumabas na article patungkol sa kaniyang diumano kurapsiyon loob ng foundation.
Nang nabalitaan ni Hector ito, nagdesisyon na siyang gamitin ang relasyon ni Helen kay Santi upang i-blackmail niya ang kaniyang asawa kapalit sa nais niyang kapangyarihan sa foundation.
Tuluyan na nga bang makukulong si Helen dahil sa kagagawan nina Aiko at Madam Han?
Maipaglalaban pa kaya nina Helen at Santi ang kanilang pagmamahalan?
Abangan ang kapanapanabik na huling linggo ng Secret Affair. Lunes hanggang Biyernes, 11:30 pm sa GMA.
Samantala, mas kilalanin pa ang South Korean actress na si Kim Hee-ae sa gallery na ito: