GMA Logo Helen, Santi, Secret Affair
What's Hot

Secret Affair: Pagnanasa sa isa't isa | Weekly Recap

By Kristine Kang
Published April 8, 2024 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Helen, Santi, Secret Affair


Hanggang kailan kaya nila ipaglalaban ang kanilang pag-ibig?

Noong nakaraang linggo, nasaksihan natin ang hirap na nararanasan ni Helen sa kaniyang trabaho. Dahil hindi pa rin makaalis sa kulungan ang chairman, mas nagkakagulo sa foundation, lalo na ang dalawang boss na sina Aiko at Madame Han.

Dahil sa sobrang stress sa pangyayari, hindi maiwasan ni Helen na hanapin ang pagmamahal ni Santi kahit pilit nilang iniiwasan muna ang isa't isa.

Courtesy: Secret Affair and GMA

Kahit ganoon din ang nararamdaman ni Santi, inuuna ng binatang asikasuhin ang kaniyang planong magpakalayo muna para hintaying kumalma ang tsismis tungkol sa kanilang relasyon.

Balak ni Santi lumipad pa-Germany sa tulong ng kaibigang propesor ni Helen. Ngunit dahil alam nilang hindi papayag si Hector sa kaniyang plano,inilihim ni Santi ang kaniyang preparasyon sa kaniyang guro.

Sa gitna ng kaniyang paghahanda, lahat ng pagod at lungkot ni Santi ay nawala nang bumisita si Helen sa kaniyang tahanan.

Dahil labis ang kanilang pagka-miss sa isa't isa, nagpasya ang dalawa na tumakas muna sa probinsya para bawiin ang kanilang oras na magkalayo.

Courtesy: Secret Affair and GMA

Ngunit dahil alam ni Hector ang galawan ng kaniyang asawa, kumuha na siya ng tao para kumalap ng ebidensya tungkol sa kanilang imoral na relasyon.

Kinompronta rin niya si Helen pagkauwi nito, tungkol sa pagpayag sa balak ni Santi na pumunta ng Germany.

Lalong nagkagulo ang lahat nang kinausap na rin ni Daphne si Helen para bantaan siyang lumayo na kay Santi. Ibinunyag din ni Daphne kay Helen na lumapit si Madam Han sa kaniya para utusan siyang i-blackmail si Helen gamit ang kanilang sikreto.

Courtesy: Secret Affair and GMA

Nang malaman ni Santi ang nangyari, kinausap niya si Daphne para itigil nito ang paggawa ng gulo.

Ano ang mangyayari kina Helen at Santi?

Mabubunyag na ba sa publiko ang kanilang sikretong relasyon?

Abangan ang mga kapana-panabik pang mga eksena sa Secret Affair, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.