GMA Logo Helen, Santi, Secret Affair
What's Hot

Secret Affair: Sikretong Relasyon | Weekly Recap

By Kristine Kang
Published March 25, 2024 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Helen, Santi, Secret Affair


Ano kaya ang mangyayari sa relasyon nina Santi at Helen?

Puno ng pagmamahal at musika ang naganap sa nakaraang linggo ng kapanapanabik na K-drama series na Secret Affair.

Mas tumindi sa pagtibok ang puso nina Helen at Santi para sa isa't isa, kaya naman hindi nila mapigilan ang kanilang nararamdaman sa tuwing magkasama sila.

Mas nabigyan pa sila ng rason para madalas silang magkasama, nang inutos ni Madame Han na maging opisyal na estudyante ni Helen si Santi.

Kasama minsan ang asawa ni Helen na si Hector, patuloy sa pag-eensayo si Santi para sa papalapit niyang konsiyerto.

Bago ang araw ng kaniyang pagtugtog sa entablado, tinapos ni Santi ang relasyon niya kay Daphne.

Ngunit hindi niya alam na may hinala na si Daphne sa relasyon niya kay Helen.

Makalipas ang ilang araw, dumating na ang hinihintay na okasyon lahat, ang unang konsiyerto ni Santi.

Dahil sa husay niya sa pagtugtog ng piano, napahanga ni Santi ang lahat sa auditorium.

Pagkatapos ang matagumpay na konsiyerto, hindi mapigilan nina Helen at Santi ang kanilang labis na tuwa. Kaya naman patagong naghalikan sila sa likod ng entablado.

Habang binubuhos nila ang kanilang mga emosyon sa isa't isa, biglang hinanap ni Hector si Helen, kaya napahinto kaagad ang dalawa.

Samantala, hinuli ng pulis ang boss ni Helen dahil sa kasong ilegal na transaksyon. Habang nagkakagulo ang lahat, ay napapansin ng mga katrabaho ni Helen ang kakaibang relasyon niya kay Santi.

Mabubunyag na ba ang sikretong relasyon nina Helen at Santi?

Abangan ang kapana-panabik pang mga eksena sa Secret Affair, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.

LOOK: Dashing photos of award-winning Hallyu actor Yoo Ah-in